Friday, August 31, 2012
After 4 years
Tuesday, September 9, 2008
junk foods a.k.a chichiria
bago pa nauso ang nova, piatos, frito lay eh meron na ng mga pang masang junk foods na ito.....
sunshine - eto isa pang sikat! pangalan pa lang dba? ito ung green peas na coated , ung kulay green ung lalagyan. masarap kapartner to sa kwentuhan pati na sa harap ng tv.
expo - ung mani na kung tawagin dito samen eh bembol roco?ung 50 cents ang isa, pang masa talaga presyo nito, pakyawan to lage samen dahil maraming bata ang na adik sa kakaibang lasa nito.
dingdong - dito nagsimula ang lahat ito ung tagalog version ng mixed nuts ung mahal na nabibili sa super market, ok din ang naka isip nito my concern sa kapwa pilipino..
cedie - ung cartoons na sikat dati sa tv, ung batang prinsipe na my grandfather na bigtime, version siya ng sikat na cornik mas pinaganda lng ang pangalan para maakit ang mga kabataan. isang beses lng ako kumain nito, nung unang kain ko my may libreng bato ung nabili ko kya d na ko umulit.... bwarkkkkkkk
tira - tira

sugo - ito ung root of origin ng happy uso to dati lage akong meron nito baon ko lage.mabisa daw ang mani sa utak kya na enganyo akong bumili....
pinoy - isa sa sikat noong araw pano hndi lng pagkain ang offer nito my kasama pa ng toy. naalala ko dati ung klasmate ko ng kinder lage syang merong pinoy, ang dami na niyang pamato pag nagpapatos kami ng tau tauhan
eto ung ilan sa mga sikat na junk foods dati. yan ung mga naabutan ko! ngayon kung my alam ka sa mga ito malamang eh ikw ay year of the rat.. swerte un dahil yayaman ka oras na tumaya ka sa lotto..
take note : malas ang numbers 3 ,7 ,8, 2..
swerte nmn ang numbers : 6, 5, 4
lucky color: artifical red
lucky day : holiday
Sunday, August 10, 2008
exotic foods
Exotic list 101..
ahas or snake - astig to sabi nung lalake sa tv. pra ka daw kumakain ng manok, mejo kakiba lng ang lasa nito dahil mas msarap daw ito sa manok.. cool, prito lang ung nakita kong luto pero mas ok daw pag adobo.
palaka or frog - eto pa ang isa biruin mo ung mga dina dissect ng mga nurse para ipasa sa anatomy class nila eh knakain na din pala... the best daw pag prito lalo na pag may breading ng harina...
pusa or cat - pati si muning na tahimik sa bahay eh trip na din pag tripan ng mga tambay oh lasing sa kanto, d nila alintana ang kalmot basta lng my pulutan sa tomaan. the best daw to pag adobo, saka gata..
aso or dog - syempre mga bata kung my muning meron ding bantay..dito nag umpisa lahat, nauso pa nga ung pag export ng aso eh, bali my bbli ng aso sa bhay nyo tpos lalagay nila sa jeep tpos ddlhin ng jeep sa katayan.. tpos aun na ibbnta ang laman sa mga underground na palengke... mahilig dito ung mga tambay smen. iba daw pakiramdam nito mainit sa katawan ma papa wow ka sa sarap. adobo rin ung nakita kong luto dito pero d ako tumikim, baka mgalit ung aso namen..
beatle or salagubang - isa sa astig na pagkain na trip daw ng mga pinoy masarap daw to pag prito samahan mo pang maraming suka at sili, solve kana. un nga lang mejo dangerous ang pagkuha nito, kalimitan daw kc makikita ang mga beatles na nagjajamming sa puno ng niyog. may recording daw sila at bawal istorbohin.
grasshopper or tipaklong - ito pa isa, ung mga insekto na magaling sa long jump eh pwede na rin pa lang kainin,malimit silang makita sa mga damuhan nag ppractice para sa upcoming olympics, kaso nga lang sa net ang bagsak nila diretcho sa kawali para isangag...
monitor lizard or bayawak - ung lizard na hindi pwedeng makita ng ordinaryong bata, malaki ko saka nkkatkot mkita, marami kami nito dati sa likod bahay kya malimit ako lumabas... pero un pla eh malapit na clang maubos, mkkita na cla ngaun sa mga menu list ng restaurant, the best daw to pag adobo or prito.. kayo na mag decide!
so far ito pa lang ung napanood ko na mejo exotic,haha ung iba jan pulutan na ng mga lasing eh pero ung iba sikat daw sa mga restaurant. kahit isa jan wala pa ko nattikman kung ako ang kkain trip ko ung palaka at sawa.tingin ko kc cool ang lasa non..
Tuesday, August 5, 2008
havaianas vs spartan
Pangalan: Havaianas
Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil
Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)
Materyal na ginamit:Malupit na goma (high-quality rubber).
Presyo:Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.
Mga nagsusuot:Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy
Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!
Pangalan: Spartan
Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines
Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).
Materyal na ginamit:Pipitsuging goma (Low-quality rubber).
Presyo:Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.
Mga nagsusuot:ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)
Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.
Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas
Saturday, May 31, 2008
chain message...
ang pagmamahal sa diyos eh hindi nasusukat ng mga message na to. ung simpleng simba nga lng eh na appreciate na ni god dahil mahal nmn nya tayo.. i mean hindi mo kelangan i daan dito ang lahat ng problema mo. ung tipong issend mo ung message den magdadasal ka na sana bukas eh ma promote kna sa opisina..kahit ang totoo eh kaka apply mo palang....
after you read this please pass to 1000 friends. then something will happen, believe me this is true, don't break the chain...
Saturday, May 17, 2008
pati ba naman bread?
boy: mejo mahal na kasi ang harina eh, eto na tinapay niyo.
ako: oh bakit walo lng to? d ba sampung piso binili ko? (hindi ko nagawang mainis sa bata dahil alam kong meron syang dahilan kung bakit walong tinapay lang ang binigay nya skn.......)
boy: gaya ng sinabi ko kanina boss mahal na ang harina, kaya ang tinapay ngaun eh 1.25 na ang isa d kagaya dati na piso lng ang isa, wala na ksi kaming tubo dyan...
ako: ganon? samantalang nung chikiting pako eh 50 centavos lng ang tinapay ngaun eh 1.25 na? grabe ah, bagsak na ata talga ang ekonomiya ng bansa..
nakita ko ang sa muka ng bata ang hirap ng dinadanas nya tuwing umaga.. ggcng pra kumuha ng paninda, para lng sa kakarampot na kita, na tila walang pinupuntahan dahil maya' maya ang taas ng preso ng mga bilihin.sabi sa tv dahil sa mahal ng harina eh maari na daw gawing alternavite ang mga gulay para ipalit sa harina.. for example kalabasa flavored pandesal, hmmm mukang ok sa tyan, isipin mo tinapay na gulay? well tingin ko walng kkontra sa bagay na ito dahil mejo pabor to sa ating katawan. pero kung iicpin mo, hindi ba parang panget tignan kung papalitan ang harina ng gulay? kasi alam naman naten na sa harina talaga nabubuo ang tinapay dahil ito ang kanyang main ingredients, dito nasanay ang tiyan nating lahat.
pumasok akong gutom dahil hindi ako nakain ng pandesal sa umaga,hmmm my monay na kayang gawa sa kamote?? beeeep beeeep beeeeep
Friday, May 9, 2008
rice alternative...
Mga posibleng mangyari kung kamote na ang gagawing bigas
1. cguro lalakas na ang kita ni malabanan dahil dito.
2. magiging polluted pa lalo ang pilipinas. at dahil dito sisikat nnman taung mga pilipino..
3.imbis na extra rice, extra kamote na ang oorderin mo sa fast food chains.
4. special offer "kamote all you can"
5. magiging polluted na ang ating mundo.