Tuesday, September 9, 2008

junk foods a.k.a chichiria

isa sa pinaka gusto ng bata noong araw, dito adik na adik ang mga kalaro ko.... pati ako!

bago pa nauso ang nova, piatos, frito lay eh meron na ng mga pang masang junk foods na ito.....

wonder boy - naalala mo ba ung batang nakasakay sa high tech na oto? tpos meron syang dalang malaking plato na may bilog na pagkain, mraming naadik dito kasi maraming MSG at saka malutong, kaya lang can't afford to ng iba dahil mahal ang presyo nya sa tindahan 2.50 ang isa hnd tulad ng iba 1 lang.

sunshine - eto isa pang sikat! pangalan pa lang dba? ito ung green peas na coated , ung kulay green ung lalagyan. masarap kapartner to sa kwentuhan pati na sa harap ng tv.

expo - ung mani na kung tawagin dito samen eh bembol roco?ung 50 cents ang isa, pang masa talaga presyo nito, pakyawan to lage samen dahil maraming bata ang na adik sa kakaibang lasa nito.

dingdong - dito nagsimula ang lahat ito ung tagalog version ng mixed nuts ung mahal na nabibili sa super market, ok din ang naka isip nito my concern sa kapwa pilipino..

cedie
- ung cartoons na sikat dati sa tv, ung batang prinsipe na my grandfather na bigtime, version siya ng sikat na cornik mas pinaganda lng ang pangalan para maakit ang mga kabataan. isang beses lng ako kumain nito, nung unang kain ko my may libreng bato ung nabili ko kya d na ko umulit.... bwarkkkkkkk

tira - tira
- hahahaha eto ung parang kahoy na d mo makagat sa sobrang tigas ung tipong pag kinain mo eh madali kang ttanda dahil mauubusan kna agad ng mga ngipin,

sugo - ito ung root of origin ng happy uso to dati lage akong meron nito baon ko lage.mabisa daw ang mani sa utak kya na enganyo akong bumili....

pinoy
- isa sa sikat noong araw pano hndi lng pagkain ang offer nito my kasama pa ng toy. naalala ko dati ung klasmate ko ng kinder lage syang merong pinoy, ang dami na niyang pamato pag nagpapatos kami ng tau tauhan

eto ung ilan sa mga sikat na junk foods dati. yan ung mga naabutan ko! ngayon kung my alam ka sa mga ito malamang eh ikw ay year of the rat.. swerte un dahil yayaman ka oras na tumaya ka sa lotto..

take note : malas ang numbers 3 ,7 ,8, 2..
swerte nmn ang numbers : 6, 5, 4
lucky color: artifical red
lucky day : holiday

Sunday, August 10, 2008

exotic foods

tayong mga pinoy ay may ibat' ibang taste pag dating sa pagkain, marami sa atin ang adventurous pag dating sa bagay na ito.. npanood ko sa dati sa tv ung ilan sa exotic food na kinakain ng mga pinoy....at dito mapapatunayan kung gaano talaga tayo ka cool..

Exotic list 101..

ahas or snake - astig to sabi nung lalake sa tv. pra ka daw kumakain ng manok, mejo kakiba lng ang lasa nito dahil mas msarap daw ito sa manok.. cool, prito lang ung nakita kong luto pero mas ok daw pag adobo.


palaka or frog - eto pa ang isa biruin mo ung mga dina dissect ng mga nurse para ipasa sa anatomy class nila eh knakain na din pala... the best daw pag prito lalo na pag may breading ng harina...


pusa or cat
- pati si muning na tahimik sa bahay eh trip na din pag tripan ng mga tambay oh lasing sa kanto, d nila alintana ang kalmot basta lng my pulutan sa tomaan. the best daw to pag adobo, saka gata..
aso or dog - syempre mga bata kung my muning meron ding bantay..dito nag umpisa lahat, nauso pa nga ung pag export ng aso eh, bali my bbli ng aso sa bhay nyo tpos lalagay nila sa jeep tpos ddlhin ng jeep sa katayan.. tpos aun na ibbnta ang laman sa mga underground na palengke... mahilig dito ung mga tambay smen. iba daw pakiramdam nito mainit sa katawan ma papa wow ka sa sarap. adobo rin ung nakita kong luto dito pero d ako tumikim, baka mgalit ung aso namen..
beatle or salagubang - isa sa astig na pagkain na trip daw ng mga pinoy masarap daw to pag prito samahan mo pang maraming suka at sili, solve kana. un nga lang mejo dangerous ang pagkuha nito, kalimitan daw kc makikita ang mga beatles na nagjajamming sa puno ng niyog. may recording daw sila at bawal istorbohin.
grasshopper or tipaklong - ito pa isa, ung mga insekto na magaling sa long jump eh pwede na rin pa lang kainin,malimit silang makita sa mga damuhan nag ppractice para sa upcoming olympics, kaso nga lang sa net ang bagsak nila diretcho sa kawali para isangag...

monitor lizard or bayawak - ung lizard na hindi pwedeng makita ng ordinaryong bata, malaki ko saka nkkatkot mkita, marami kami nito dati sa likod bahay kya malimit ako lumabas... pero un pla eh malapit na clang maubos, mkkita na cla ngaun sa mga menu list ng restaurant, the best daw to pag adobo or prito.. kayo na mag decide!

so far ito pa lang ung napanood ko na mejo exotic,haha ung iba jan pulutan na ng mga lasing eh pero ung iba sikat daw sa mga restaurant. kahit isa jan wala pa ko nattikman kung ako ang kkain trip ko ung palaka at sawa.tingin ko kc cool ang lasa non..

Tuesday, August 5, 2008

havaianas vs spartan

Forward Email ng classmate kong c bong ortega!!!! ^_^

Pangalan: Havaianas



Lugar na pinanggalingan: São Paulo , Brazil

Pagbigkas:
ah-vai-YAH-nas (Brazilian Portuguese)
hah-vee-ah-naz (American English)
OMG! hah-va-yaH-naZz! (Filipino)

Materyal na ginamit:Malupit na goma (high-quality rubber).

Presyo:Depende. Ganito na lang, 1 pares ng Havaianas = 100 pares ng Spartan.

Mga nagsusuot:Mga konyotik at mga mayayaman (na noong una ay nababaduyan sa mga naka-de sipit na tsinelas at sasabihing, "Yuck! So baduy naman nila, naka-slippers lang.")

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Masarap isuot.
- Shock-absorbent
- Malambot ngunit matibay
- Makukuha sa sandamakmak na kulay, disenyo at burloloy
- Maaaring isuot sa loob ng Starbucks
- Mainam na pang-japorms
- Mainam i-terno sa I-Pod at Caramel Macchiato
- Mapipilitan kang maglinis ng mga kuko mo sa paa
- Maaari ka nang mag-dikwatro sa loob ng mga pampublikong lugar at sasakyan
- Magiging 'fashionable' ka kapag ikaw ay nagkukuyakoy

Olats na mga katangian:
Mahal!
Mahal!
Mahal!


Pangalan: Spartan



Lugar na Pinanggalingan: Metro Manila , Philippines

Pagbigkas:
spar-tan (American English),
is-par-tan (Filipino).

Materyal na ginamit:Pipitsuging goma (Low-quality rubber).

Presyo:Wala pang 50 pesos.
Isang pares ng Spartan = 20 piraso ng pan de coco.

Mga nagsusuot:ang masa (gaya-gaya lang ang mga sosyal at pasyonista)

Malulupit na katangian at kakayahan:
- Maaring ipampatay sa ipis
- Maaring ipampalo sa mga batang suwail at damuho
- Pwedeng ipanglusong sa baha at putikan
- Pwedeng ipamalengke
- Mainam gamitin sa tumbang-preso
- Mainam gawing 'shield' kapag naglalaro ng espa-espadahan
- Mainam isuot sa siko bilang proteksyon habang naglalaro ng piko
- Mainam na pambato sa picha o shuttlecock na sumabit sa puno
- Mainam na pangkulob sa pumuputok na watusi
- Kapag ginupit-gupit nang pahugis 'cube,' e maaari mo nang gawing pamato sa larong Bingo na
kadalasang makikita sa mga lamay ng patay.

Olats na mga katangian:
- Madaling magkawalaan kapag hinubad dahil halos pare-pareho lang ang itsura
- Masakit isuot kapag may mga balahibo ang mga daliri mo sa paa
- Minsan kapag ipinambato mo ito sa picha o shuttlecock na nakasabit sa puno, e nadadamay pati yung tsinelas

Saturday, May 31, 2008

chain message...

"love mo ba si god?? pls pass this message to 15 people and a miracle will happen" badtrip ako sa mga ganitong message na nauuso ngaun sa text, hindi ko alam kung anong naiisip ng taong gumagawa nito,, hindi ba niya alm na mdami siyang naloloko dito? at isa na ako don.. nung unang beses na maka receive ako ng message na to e talagang nag pa load pa ko para lng malaman kung meron ngang mangyayaring kakaiba.. sabi kc dun sa chain message na pag napasa ko siya eh mag ttpat daw ng feelings ung special someone ko sakin, cool.... naiisip ko baka maraming matulungan tong message na to.. after 15x of sending, nag hintay ako kung totoo nga, shit confident pa ko non na magttxt ang special someone ko kahit hindi niya alam ang number ko.. damn nagyabang pa ko non sa pinsan kong 12 yrs old, sabi ko magkakashota ako sa isang text lng ng crush ko, pero anong nangyari??? 1 week akong naghintay pero wala pa din text nawala na ba ang bisa ng message o may pumutol dito.??? balik tau sa chain message sa taas, pag ba pinasa ko ito eh aakyat ako sa langit kapiling ni god?? i mean mawawala ba ang lahat ng kasalanan ko kung sumunod ako dito??


ang pagmamahal sa diyos eh hindi nasusukat ng mga message na to. ung simpleng simba nga lng eh na appreciate na ni god dahil mahal nmn nya tayo.. i mean hindi mo kelangan i daan dito ang lahat ng problema mo. ung tipong issend mo ung message den magdadasal ka na sana bukas eh ma promote kna sa opisina..kahit ang totoo eh kaka apply mo palang....



after you read this please pass to 1000 friends. then something will happen, believe me this is true, don't break the chain...

Saturday, May 17, 2008

pati ba naman bread?

5 am ng umaga kelangan kong bumangon para sa panibagong araw ng aking ojt, nung time na un wala akong kasama sa bahay dahil nasa bakasyon sila.isa ako sa mga pilipinong sanay kumain ng kanin tuwing almusal,hindi kasi ako kuntento sa tinapay dahil naniniwala ako na mas maganda pa din kung mejo full ang tyan bago pumasok sa trabaho o kahit sa school,pero nung time na yon eh kelagan kong mag tyaga dahil wala na akong tym pra mg prepare ng almusal ko.. kelangan pumatol sa tinapay, lumabas ako pra maghanap nito. sakto ang timing ng batang my dalang kahon,hindi alintana ang lamig ng hangin, alam kong kelangan niyang kumita para sa ikabubuhay niya... tinawag ko siya para bumili ng tinda nya.



ako: boy bigyan mo nga ako ng sampung pisong pandesal mo...!


boy: pili ko lng kau ng malaki boss...


ako: ha?? eh mukang wala ng ilalaki yan ah...

boy: mejo mahal na kasi ang harina eh, eto na tinapay niyo.

ako: oh bakit walo lng to? d ba sampung piso binili ko? (hindi ko nagawang mainis sa bata dahil alam kong meron syang dahilan kung bakit walong tinapay lang ang binigay nya skn.......)

boy: gaya ng sinabi ko kanina boss mahal na ang harina, kaya ang tinapay ngaun eh 1.25 na ang isa d kagaya dati na piso lng ang isa, wala na ksi kaming tubo dyan...

ako: ganon? samantalang nung chikiting pako eh 50 centavos lng ang tinapay ngaun eh 1.25 na? grabe ah, bagsak na ata talga ang ekonomiya ng bansa..

nakita ko ang sa muka ng bata ang hirap ng dinadanas nya tuwing umaga.. ggcng pra kumuha ng paninda, para lng sa kakarampot na kita, na tila walang pinupuntahan dahil maya' maya ang taas ng preso ng mga bilihin.sabi sa tv dahil sa mahal ng harina eh maari na daw gawing alternavite ang mga gulay para ipalit sa harina.. for example kalabasa flavored pandesal, hmmm mukang ok sa tyan, isipin mo tinapay na gulay? well tingin ko walng kkontra sa bagay na ito dahil mejo pabor to sa ating katawan. pero kung iicpin mo, hindi ba parang panget tignan kung papalitan ang harina ng gulay? kasi alam naman naten na sa harina talaga nabubuo ang tinapay dahil ito ang kanyang main ingredients, dito nasanay ang tiyan nating lahat.

pumasok akong gutom dahil hindi ako nakain ng pandesal sa umaga,hmmm my monay na kayang gawa sa kamote?? beeeep beeeep beeeeep

Friday, May 9, 2008

rice alternative...

ok din ang naisip ng ating gobyerno biruin mo, kamote na ang gagawing alternative para sa bigas.. hmmm kung iisipin mo nga nmn mejo ok din ang kamote dahil nung world war 2 daw eh kamote ang isa sa ginawang pagkain ng ating mga lolo,grabe hindi ko 2loy lubos maisip kung ano ang mangyayari kung kamote na ang ipalit sa bigas,

Mga posibleng mangyari kung kamote na ang gagawing bigas

1. cguro lalakas na ang kita ni malabanan dahil dito.
2. magiging polluted pa lalo ang pilipinas. at dahil dito sisikat nnman taung mga pilipino..
3.imbis na extra rice, extra kamote na ang oorderin mo sa fast food chains.
4. special offer "kamote all you can"
5. magiging polluted na ang ating mundo.

Tuesday, March 25, 2008

chances are once in a lifetime.

meron tayo nito pero isang beses lang dumating,kahit ako hindi ko alam kung kelan dumadating itong bagay na ito. kahit ikaw na sobrang galing o sobrang talino hindi mo din malalaman kung paano dadaan ang isang pagkakataon sa buhay mo, madami na akong nasayang na ganito, yung ibang pagkakataon nakita ko pero wala akong ginawa kundi palampasin lang siya. ang resulta? isang hindi magandang bagay, tulad halimbawa ng pagkakataon nating magpahayag ng saloobin, minsan maiisip mo na lang pano nga ba ako makakakuha ng isang magandang pagkakataon para masabi ko ang bagay na nasa loob ko?kahit ako na gumawa nito eh hirap sa ganitong sitwasyon, hehehe ibig ko lamang ipabatid sa babasa nito na hindi ka nag iisa. minsan andyan na pero hindi mo pa magawang kausapin bagay na tingin ko eh hindi makakabuti sa ating mahina ang loob, nyhahaha.bakit ko nga ba ito sinasabi sayo? dahil naisip ko na baka ikaw mismo ang makatulong sa akin at sa sarili mo,nais ko din na kumuha ng pananaw ng iba para magkaroon ng lakas ng loob..

tooooot.tooooot.toooooot.tooooooot

Friday, March 7, 2008

money for food..

as a student in economics what is your advice for PGMA? Minimum of 50 words. yan ang topic ng prof namen nung isang linggo, ano ba ang magandang payo kay GMA? tingin kasi ng madami marumi na siya dahil sa ZTE deal, ang na isip ko kasi gumagawa lng ng publicity ang pangulo medyo nawawala kasi siya sa eksena, natural kelangan din nyang gumawa ng issue para sa ikakasikat nya pero mabalik tayo sa ZTE na ito,malaki ang ginawang impact ng issue na to dahil maraming ang natamaan sa ginawa ng pangulo, madaming nanghinayang sa malaking pera na sangkot sa issue. syempre hindi lang isa ang kelangan makinabang sa perang ito.tapos eto na si jun lozada dala daw niya ang katotohanan na magmumulat sa ating mga pilipino, ang hindi niya alam na mahilig lang talagang maglaro ang tadhana, bagay na lagi nating pinapaburan. corruption ang isang problema ng bansa sabi nga ng mga banyaga mukang hindi na tayo makakabangon dito, bagay na hindi ko pinaboran, bilang kalahi ni juan dela cruz hindi ko gustong magutom ang kapwa pilipino ko, pero ang magagawa ko? nasa ZTE ang focus ng mga taga kongreso! gusto kong guwama ng hakbang pero hanggang dito lang ang kaya ko, pero atleast madami akong nasasabi.

kelan lang ay binisita ni GMA ang bayan ko dito sa calamba, papauwi ako non galing sa bahay ng classmate ko medyo nag cause lang na naman siya ng trapik buti maaga pa non, 30 mins akong nasa kalsada,dahil d mag kandamayaw ang mga pulis at tao.oo nga pala andito ang higanteng artista.nyhahahah

payo ko kay GMA. kausapin mo ang buong pilipino mag paliwanag ka. you cause too much traffic.

Wednesday, February 20, 2008

introduction to blog.... (first step)

February 2008, ng mapukaw ang aking atensyon ng blog, isang uri ng teknolohiya mula sa internet,hindi ko alam kung anong meron ang blog at nakuha nito ang atensyon ko. cguro dahil sa simpleng detalye na nakalagay dito, sabi ng iba ginagamit nila ang blog para mag express ng nararamdaman, mga reaction at kung ano ano pa, isa na ako sa mga taong un. kya e2 ako ngaun nka upo at nagawa ng blog,kung saan pede akong mag kwento. pwede ka ring makinig d2, at syempre pwede mo din akong kwen2han.. kya halina tumuklas tau ng bagay bagay tungkol sau, skn at kung kanino pa.. d2 sa kung saan hindi natin pansin ang oras, kung saan mlaya taung mag papalitan ng kuro-kuro, walang hassel dito khit sino pdeng sumali kahit sino pdeng mag react.....