Tuesday, March 25, 2008

chances are once in a lifetime.

meron tayo nito pero isang beses lang dumating,kahit ako hindi ko alam kung kelan dumadating itong bagay na ito. kahit ikaw na sobrang galing o sobrang talino hindi mo din malalaman kung paano dadaan ang isang pagkakataon sa buhay mo, madami na akong nasayang na ganito, yung ibang pagkakataon nakita ko pero wala akong ginawa kundi palampasin lang siya. ang resulta? isang hindi magandang bagay, tulad halimbawa ng pagkakataon nating magpahayag ng saloobin, minsan maiisip mo na lang pano nga ba ako makakakuha ng isang magandang pagkakataon para masabi ko ang bagay na nasa loob ko?kahit ako na gumawa nito eh hirap sa ganitong sitwasyon, hehehe ibig ko lamang ipabatid sa babasa nito na hindi ka nag iisa. minsan andyan na pero hindi mo pa magawang kausapin bagay na tingin ko eh hindi makakabuti sa ating mahina ang loob, nyhahaha.bakit ko nga ba ito sinasabi sayo? dahil naisip ko na baka ikaw mismo ang makatulong sa akin at sa sarili mo,nais ko din na kumuha ng pananaw ng iba para magkaroon ng lakas ng loob..

tooooot.tooooot.toooooot.tooooooot

Friday, March 7, 2008

money for food..

as a student in economics what is your advice for PGMA? Minimum of 50 words. yan ang topic ng prof namen nung isang linggo, ano ba ang magandang payo kay GMA? tingin kasi ng madami marumi na siya dahil sa ZTE deal, ang na isip ko kasi gumagawa lng ng publicity ang pangulo medyo nawawala kasi siya sa eksena, natural kelangan din nyang gumawa ng issue para sa ikakasikat nya pero mabalik tayo sa ZTE na ito,malaki ang ginawang impact ng issue na to dahil maraming ang natamaan sa ginawa ng pangulo, madaming nanghinayang sa malaking pera na sangkot sa issue. syempre hindi lang isa ang kelangan makinabang sa perang ito.tapos eto na si jun lozada dala daw niya ang katotohanan na magmumulat sa ating mga pilipino, ang hindi niya alam na mahilig lang talagang maglaro ang tadhana, bagay na lagi nating pinapaburan. corruption ang isang problema ng bansa sabi nga ng mga banyaga mukang hindi na tayo makakabangon dito, bagay na hindi ko pinaboran, bilang kalahi ni juan dela cruz hindi ko gustong magutom ang kapwa pilipino ko, pero ang magagawa ko? nasa ZTE ang focus ng mga taga kongreso! gusto kong guwama ng hakbang pero hanggang dito lang ang kaya ko, pero atleast madami akong nasasabi.

kelan lang ay binisita ni GMA ang bayan ko dito sa calamba, papauwi ako non galing sa bahay ng classmate ko medyo nag cause lang na naman siya ng trapik buti maaga pa non, 30 mins akong nasa kalsada,dahil d mag kandamayaw ang mga pulis at tao.oo nga pala andito ang higanteng artista.nyhahahah

payo ko kay GMA. kausapin mo ang buong pilipino mag paliwanag ka. you cause too much traffic.