Saturday, May 31, 2008

chain message...

"love mo ba si god?? pls pass this message to 15 people and a miracle will happen" badtrip ako sa mga ganitong message na nauuso ngaun sa text, hindi ko alam kung anong naiisip ng taong gumagawa nito,, hindi ba niya alm na mdami siyang naloloko dito? at isa na ako don.. nung unang beses na maka receive ako ng message na to e talagang nag pa load pa ko para lng malaman kung meron ngang mangyayaring kakaiba.. sabi kc dun sa chain message na pag napasa ko siya eh mag ttpat daw ng feelings ung special someone ko sakin, cool.... naiisip ko baka maraming matulungan tong message na to.. after 15x of sending, nag hintay ako kung totoo nga, shit confident pa ko non na magttxt ang special someone ko kahit hindi niya alam ang number ko.. damn nagyabang pa ko non sa pinsan kong 12 yrs old, sabi ko magkakashota ako sa isang text lng ng crush ko, pero anong nangyari??? 1 week akong naghintay pero wala pa din text nawala na ba ang bisa ng message o may pumutol dito.??? balik tau sa chain message sa taas, pag ba pinasa ko ito eh aakyat ako sa langit kapiling ni god?? i mean mawawala ba ang lahat ng kasalanan ko kung sumunod ako dito??


ang pagmamahal sa diyos eh hindi nasusukat ng mga message na to. ung simpleng simba nga lng eh na appreciate na ni god dahil mahal nmn nya tayo.. i mean hindi mo kelangan i daan dito ang lahat ng problema mo. ung tipong issend mo ung message den magdadasal ka na sana bukas eh ma promote kna sa opisina..kahit ang totoo eh kaka apply mo palang....



after you read this please pass to 1000 friends. then something will happen, believe me this is true, don't break the chain...

Saturday, May 17, 2008

pati ba naman bread?

5 am ng umaga kelangan kong bumangon para sa panibagong araw ng aking ojt, nung time na un wala akong kasama sa bahay dahil nasa bakasyon sila.isa ako sa mga pilipinong sanay kumain ng kanin tuwing almusal,hindi kasi ako kuntento sa tinapay dahil naniniwala ako na mas maganda pa din kung mejo full ang tyan bago pumasok sa trabaho o kahit sa school,pero nung time na yon eh kelagan kong mag tyaga dahil wala na akong tym pra mg prepare ng almusal ko.. kelangan pumatol sa tinapay, lumabas ako pra maghanap nito. sakto ang timing ng batang my dalang kahon,hindi alintana ang lamig ng hangin, alam kong kelangan niyang kumita para sa ikabubuhay niya... tinawag ko siya para bumili ng tinda nya.



ako: boy bigyan mo nga ako ng sampung pisong pandesal mo...!


boy: pili ko lng kau ng malaki boss...


ako: ha?? eh mukang wala ng ilalaki yan ah...

boy: mejo mahal na kasi ang harina eh, eto na tinapay niyo.

ako: oh bakit walo lng to? d ba sampung piso binili ko? (hindi ko nagawang mainis sa bata dahil alam kong meron syang dahilan kung bakit walong tinapay lang ang binigay nya skn.......)

boy: gaya ng sinabi ko kanina boss mahal na ang harina, kaya ang tinapay ngaun eh 1.25 na ang isa d kagaya dati na piso lng ang isa, wala na ksi kaming tubo dyan...

ako: ganon? samantalang nung chikiting pako eh 50 centavos lng ang tinapay ngaun eh 1.25 na? grabe ah, bagsak na ata talga ang ekonomiya ng bansa..

nakita ko ang sa muka ng bata ang hirap ng dinadanas nya tuwing umaga.. ggcng pra kumuha ng paninda, para lng sa kakarampot na kita, na tila walang pinupuntahan dahil maya' maya ang taas ng preso ng mga bilihin.sabi sa tv dahil sa mahal ng harina eh maari na daw gawing alternavite ang mga gulay para ipalit sa harina.. for example kalabasa flavored pandesal, hmmm mukang ok sa tyan, isipin mo tinapay na gulay? well tingin ko walng kkontra sa bagay na ito dahil mejo pabor to sa ating katawan. pero kung iicpin mo, hindi ba parang panget tignan kung papalitan ang harina ng gulay? kasi alam naman naten na sa harina talaga nabubuo ang tinapay dahil ito ang kanyang main ingredients, dito nasanay ang tiyan nating lahat.

pumasok akong gutom dahil hindi ako nakain ng pandesal sa umaga,hmmm my monay na kayang gawa sa kamote?? beeeep beeeep beeeeep

Friday, May 9, 2008

rice alternative...

ok din ang naisip ng ating gobyerno biruin mo, kamote na ang gagawing alternative para sa bigas.. hmmm kung iisipin mo nga nmn mejo ok din ang kamote dahil nung world war 2 daw eh kamote ang isa sa ginawang pagkain ng ating mga lolo,grabe hindi ko 2loy lubos maisip kung ano ang mangyayari kung kamote na ang ipalit sa bigas,

Mga posibleng mangyari kung kamote na ang gagawing bigas

1. cguro lalakas na ang kita ni malabanan dahil dito.
2. magiging polluted pa lalo ang pilipinas. at dahil dito sisikat nnman taung mga pilipino..
3.imbis na extra rice, extra kamote na ang oorderin mo sa fast food chains.
4. special offer "kamote all you can"
5. magiging polluted na ang ating mundo.