Saturday, May 17, 2008

pati ba naman bread?

5 am ng umaga kelangan kong bumangon para sa panibagong araw ng aking ojt, nung time na un wala akong kasama sa bahay dahil nasa bakasyon sila.isa ako sa mga pilipinong sanay kumain ng kanin tuwing almusal,hindi kasi ako kuntento sa tinapay dahil naniniwala ako na mas maganda pa din kung mejo full ang tyan bago pumasok sa trabaho o kahit sa school,pero nung time na yon eh kelagan kong mag tyaga dahil wala na akong tym pra mg prepare ng almusal ko.. kelangan pumatol sa tinapay, lumabas ako pra maghanap nito. sakto ang timing ng batang my dalang kahon,hindi alintana ang lamig ng hangin, alam kong kelangan niyang kumita para sa ikabubuhay niya... tinawag ko siya para bumili ng tinda nya.



ako: boy bigyan mo nga ako ng sampung pisong pandesal mo...!


boy: pili ko lng kau ng malaki boss...


ako: ha?? eh mukang wala ng ilalaki yan ah...

boy: mejo mahal na kasi ang harina eh, eto na tinapay niyo.

ako: oh bakit walo lng to? d ba sampung piso binili ko? (hindi ko nagawang mainis sa bata dahil alam kong meron syang dahilan kung bakit walong tinapay lang ang binigay nya skn.......)

boy: gaya ng sinabi ko kanina boss mahal na ang harina, kaya ang tinapay ngaun eh 1.25 na ang isa d kagaya dati na piso lng ang isa, wala na ksi kaming tubo dyan...

ako: ganon? samantalang nung chikiting pako eh 50 centavos lng ang tinapay ngaun eh 1.25 na? grabe ah, bagsak na ata talga ang ekonomiya ng bansa..

nakita ko ang sa muka ng bata ang hirap ng dinadanas nya tuwing umaga.. ggcng pra kumuha ng paninda, para lng sa kakarampot na kita, na tila walang pinupuntahan dahil maya' maya ang taas ng preso ng mga bilihin.sabi sa tv dahil sa mahal ng harina eh maari na daw gawing alternavite ang mga gulay para ipalit sa harina.. for example kalabasa flavored pandesal, hmmm mukang ok sa tyan, isipin mo tinapay na gulay? well tingin ko walng kkontra sa bagay na ito dahil mejo pabor to sa ating katawan. pero kung iicpin mo, hindi ba parang panget tignan kung papalitan ang harina ng gulay? kasi alam naman naten na sa harina talaga nabubuo ang tinapay dahil ito ang kanyang main ingredients, dito nasanay ang tiyan nating lahat.

pumasok akong gutom dahil hindi ako nakain ng pandesal sa umaga,hmmm my monay na kayang gawa sa kamote?? beeeep beeeep beeeeep

1 comment:

Anonymous said...

kailangan talaga gwanng blog ang pandesal? haha. asteeeg.